Dahil nasa mood akong magblog so samantalahin ko na.
Eto’t bumabalik ako sa dati, yung walang paki attitude ko, yung maskara ko sa lipunan ay nawawarak muli, so baka nawawala lang sa tamang pwesto.
Sabi ko mula ng Setyembre, growth period ko na to, nawala ako bigla, nadistract ako sa kalechehan ng paligid ko, conscious effort drei, para mabalik yung focus.
Mahirap dahil kelangan ko magyosi para makuha yun muli, ang sarap magyosi, mas madami akong nagagawa, stress reliever, at mas okay ako nun, pero nagsawa ako bigla sa yosi, dahil dyan wala na akong naakibay. Nawala uli ako sa focus.
Dati bawat galaw, pinapansin ko, bawat mali inaayos ko, bawat aral iniintindi ko, bawat salita sinasaulo ko, bawat experience tinatandaan ko. Lahat para matuto ako. Dahil ang di ko pagtatapos sa kolehiyo, nagiwan ng malaking butas saking pagkatao. Gusto ko matuto, sa lahat. Habang buhay akong kulang. Habang buhay akong gutom. Habang buhay kong inaasam matuto.
Mabuti yun, di ko lang magawa, dahil leche, andaming leche. Kelangan ko bumalik sa learning drei. Dun sa taong inaabsorb lahat. Diyos ko pahingi ng pasensya at pagiintindi. Buksan nyo po uli ang utak ko para matuto. Kelangan kong matuto, kelangan kong lumaki.
Dahil sa di ko pagtapos ng pagaaral prinessure ko na sarili ko para umayos. At bumaba din ang pagtingin ko sa sarili ko, nakakaapekto yun sa pang araw-araw kong buhay. May magmamahal pa kaya sakin? Kelangan kong tumalino. Tanggapin lahat ng musika. Matutong makisama sa lahat. Quick comebacks sa mga hipster. Magkaroon ng ibang paningin sa mga bagay-bagay. At isantabi yung mga kahinaan ko.
Makata? Hindi. Scribbles? Ewan, basta pukol lang ako ng pukol ng mga salitang maisip ko. Diyos ko tulungan mo po ako.
time to grow