hi, pag nagbabasa mo to ngayon ibig sabihin nakita mo tong blog ko. Okay sinulat ko lang to kase di ko inaasahang magkikita tayo sa near future na matatandaan ko pa lahat ng kelangan kong sabihin sayo, kaya eto, lagay ko muna dito.
Una, patawad talaga sa lahat, alam kong sawa ka nang marinig to sakin pero kelangan sabihin, kelangang ulitin. Patawad sa boring at malungkot na dalawang taong relasyon, patawad sa lahat ng pagkakataong nasaktan kita, emosyonal at pisikal. Patawad dahil pinaiyak kita. Patawad dahil di kita napapasaya. Patawad dahil di kita inintindi. Patawad kung pakiramdam mo nu’y wala kang silbi. Patawad dahil masyado akong inconsistent, lalo na nung umpisa ng 2010, pagdating ng summer bumalik ako sa dati at lumala pa. Sorry talaga, sorry nung huling araw nating pagkikita. Sorry sa mga araw na nagemo ako pagtapos, lalo na yung mga post ko. Patawad.
Pangalawa, sori at binura kita sa facebook, kelangan ko lang gawin. Salamat sa pagbati saking kaarawan, pasensya di kita binati, kelangan ko lang din yun.
Ikatlo, di ko na kayang isulat mga sasabihin ko. Feel ko mas okay kung sabihin ko ng personal. Ayan pasensya malabo parin ako, pero atleast (o sana) di na katulad dati.
Ikaapat, naisip ko lang to idagdag, dahil natural akong emosyonal na tao (kahit di halata) at kelangan ko tong sabihin dito sa blog, naging parte ka ng buhay ko, andami kong natutunan sayo, namulat ako sa maraming bagay, at di ako nagsisising nakilala kita. Salamat sa mga haba ng pasensya mo nun sakin, salamat sa ilang pagkakataong ibinigay mo sakin, salamat mga ngiti at tuwa, salamat sa oras, at salamat sa pagiintindi at pagmamahal mo nun sakin.
Huli na, wag mo sanang isipin na di pa ko over sayo, medyo over na ko, mga 99% na kong over, 1% nalang natitira, siguro dahil yan sa mga panaginip at mga ala-ala. Andrama ko parin ba? haha ayun lang, wag mo sanang isipin na may mga patama parin ako sayo. So ayun. :[]
Basta miss ko na yung tinuring kong bestfriend.
Unga pala, madali talagang malaman kung sino mga lalakeng may gusto sayo.
Salamat sa lahat. Ingat ka parati. At goodluck sa buhay.
btw finally pinatato mo na din yang ecto. Noice.